Huwebes, Enero 30, 2014

               

Kung ikaw ay naghahanap ng lugar o pasyalan na hindi mabigat sa bulsa, ang Picnic Grove sa Tagaytay ang para sa iyo. Ang lugar na ito ay makikita o matatagpuan malapit lamang sa Bayan ng Tagaytay at sa lugar na ding ito makikita ang napakagandang tanawin ng Bulkang Taal, ang pinakamaliit na aktibong bulkan dito sa Pilipinas.



Ang Tagaytay ay tinaguriang 2nd Summer Capital ng Pilipinas, sumunod ito sa Baguio sa kadahilanang malamig ang klima sa mga nasabing lugar. Isa sa pinakapupuntahan o dinadayo ng mga turista sa Tagaytay ay ang Picnic Grove.


Ang Picnic Grove ay may sukat na 13.5 hektarya ng lupa. Limampung piso (50 pesos) ang entrance kada tao. Mayroon ding mga cottage doon na nagkakahalaga g isang daan hanggang dalawang daan at limampung piso (100-250 pesos) ang renta ayon sa laki.  Dagdag atraksyon pa dito ang Tagaytay Picnic Grove Eco Trail na kung saan makikita mo ng malapitan ang Bulkang Taal sa pamamagitan ng pagbagtas ng daanan paibaba ng bundok.



Hindi lang magandang tanawin ang maari mong gawin sa Picnic Grove. Maaaring magpicnic kasama ang buong pamilya, mga kaibigan, kaklase, katrabaho at kung sino pang gusto mong isama dito. Maaari kayong maglatag ng sapin sa damuhan o di kaya naman ay gamitin ang mga mesa na matatagpuan sa lugar na ito. Maaari ring sumakay sa kabayo (Horse Riding) at libutin ang lugar. Nagkakahalaga itong isang daan hanggang dalawang daang piso (100-200 pesos). Maaari ring subukan ang Zipline at Cable Car na kung saan tatawirin ang magkabilaang bundik sa pamamagitan ng harness.



Noong ako ay pumunta s Picnic Grove noong ika-2 ng Nobyembre 2013, isinama ako ng aking pinsan na si Ate Kate. Kami ay nag-picnic at tinanaw nga naming ang nasabing magandang tanawin ng Bulkang Taal sa lugar na ito. Maliban sa aking nabanggit na maari mong gawin sa loob ng Picnic Grove, may atraksyon pa sila dun na kaaya-aya at kakaiba. Yun ay ang lapitan, hawakan at kumuha ng litrato kasama ng buwaya, bayawak at ahas. Nakakatakot kaya kahit anong pilit sa akin ng aking pinsan na hawakan ang nasabing mga hayop ay hindi ko pa rin ginawa, tama na sa akin na titigan na lamang sila. Naranasan ko rin doon na makakita ng SMOG (smoke at fog) tutal kami ay nasa itaas ng bundok, tipong parang nahahawakan na naming ang mga ulap. Noong araw na ring iyon ay umulan. Noong una smog lang, ito ay itim na usok na may kasamang tubig na papalapit sa amin. Ang lamig at hanggang sa naging ulan na nga. Hindi mo ma-eenjoy ang mamalagi sa Picnic Grove kung naulan. Hindi mo magawang magpicnic, sumakay sa kabayo, mag-zipline o sumakay sa cable car. Ang tanging magagwa mo lamang ay bumili ng pasalubong, kaya kami ng aking pinsan ay bumili na lamang ng mga pasalubong.


Kahit ganoon ang aking naranasan, masaya pa rin ako at gusto konulit balikan ang lugar na ito. Sana lang pagbalik ko, hindi na umulan para mas mag-enjoy ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento